Para sa Best friend ko 😘

Idadaan ko ‘to sa letra! Kumusta kana? Wala na ba? Wala na ba yung dating tayo? Hmm.. ibig kong sabihin ay yung dating tayo na palaging magkausap sa gabi. Kumustahan at chikahan kapag may libre tayong oras. Nakakamiss. Namimiss ko na yung ganun.

Hindi ko alam kung kelan picture ‘to. At kung bakit tayo nag picture ng ganito haha! Nagpicture tayo bago matulog. Namimiss ko na ikaw katabing matulog.

P.S. Lahat ng picture dito ay pinicturan ko lang ulit sa laptop ko. Gigil ako eh, Ayaw mag connect ng phone ko sa laptop 😭

Hetooo pa!! Feeling ko naman dito bagong gising tayo 😂🤣

Nakakamiss lang din yung mag mo-movie marathon tayo hanggang sa antukin tayo tapos mag uutusan tayo kung sino magliligpit ng laptop kasi pareho na tayong tamad tumayo haha! Miss ko na din yung tutugtugan moko ng gitara habang kumakanta ako, at meron pa yung magrerecord tayo ng video tas magduduet tayo. Tapos kapag pangit yung kuha buburahin ko hanggang sa wala na tayong magandang kuha at wala na din tayong video.

Eh yung panahong gala tayo? At kung saan saan lang pumunta? Namimiss mo kaya?

Fiesta sa Villa nun pero nasa galaan tayo. Dahil sa gabi pa may pwedeng mapanood sa plaza, ang trip natin sa ibang barangay ang gala. Kuha pala ni Kenneth yan. Haha! Galing noh? 👏🏻

Hetong picture na ‘toh? Tanda mo pa ba? Kina Tito Herman naman. Heto yung trip natin dumayo para lang magluto ng arroz caldo tas native chicken yung sahog! Yum!

Anda Pangasinan days! Nung binisita ka namin ni Leslie at DenDenpot dahil namimiss ka namin. Ang layo mo kasi mag missionary. Pero sa Bolinao yang picture nating yan nung naligo tayo kasama sina Tita na ka Adventist mo.

Ang itim natin noh? Nasa Bolinao ako pero yung shirt ko Baguio. 🤭

Dahil sa sobrang pagod kakalangoy nakatulog na kami sa byahe. Pero bakit mukhang tuwang tuwa kapa? 🙄

Yung totoo? Anong trip mo? 😏

Last day na sa Anda uwi na ulit ng Tarlac. Grabe noh? Makapag taas ako ng braso wagas. Buti na lang maputi kili kili ko 🤣😂

Trip to Baguio naman tayo. Heto yung time na mag aaral dapat ako sa UC (University of Cordilleras) Enroll sabay gala na rin. Isama na natin si Lilian sa Picture para masaya. 😁😄

Hahaha! Tanda mo pa kung bakit nakatupi yung pants mo jan? Well. Kung Oo. PM moko 😊😂

Enrollment sa UC. Sobrang haba ng pila na tipong nakiusap na si Lilian para lang mauna ako kasi uuwi pa tayo ng Tarlac that day. Todo support ka din sa pila eh noh?

Noong panahong hindi pa uso ang snapchat. Snow. Messenger cam. At sa webcam palang tayo kumakapit. Kulang na lang kainin natin mga petals na nahuhulog 😂🤣

Daaaaaraaaan! Astig diba? Saaan kapa? Ewan ko bat ginawa natin ‘toh. Haha!

Victoria Tarlac Fiesta. Kung san san ka nakakarating kaya hayan dinadayo din kita. Haha!

Teka! How about this picture? Tanda mo? Yung naudlot mong boyfriend sana. Haha! Bakit nga ba hindi kayo nagkatuluyan? Sayang! For sure mangingiti ka na lang kapag nakita mo ‘to. Todo support pa man din kaya kami sayo nun jan kasama pa lahat ng angkan nila ate Bap para sa first date niyo.

Pagod na ba sa date? 😁😆

Last picture natin. Sa boarding house namin. Umuwi ka galing Mindoro tas nag sleep over ka sa boarding kasi uuwi ka ng Tarlac. Petmalu! Last picture natin ‘to. Tapos after nun video video call na lang hanggang sa wala ng video call. Chat na lang. tapos sobrang dalang pa kung mag chat tayo.

Nakakamiss na. Alam mo yun? Namimiss mo din kaya? Anong nangyari sa atin? Parang masyado naman na ata tayong naging busy sa isa’t isa na simpleng kumusta lang mahirap ng sabihin. Minsan online ka. Online ako. Pero deadma. Haha! Matatawa na lang ako. Grabe! Ang daming ng nagbago. namimiss ko na ang Best friend ko. Pero teka! Matanong ko lang, Ako parin ba o may iba na? May ibang best friend kana kaya? Sa kanya mo na ba sinasabi lahat ng mga kwento mo? Siya na ba lagi ang kasama mong manood ng movie? Katabi mo na rin ba siyang matulog sa gabi? Sana wala. Sana hindi. Sano ako pa rin. SANA!

Saan ba tayo abala ngayon? Ikaw sa school. Ako sa work. Pero bakit di tayo makapag laan ng oras sa isa’t isa? Nakakatawa talaga! Haaaaayst! Namimiss na kita Mumaii 😞😭 Pwede pa ba nating ibalik yung dating tayo noon? Enebeyen! Bat parang naka rhyme. Anong pinag huhugutan ko? Eh bakit ba? Gusto lang naman mag drama at gusto lang din naman kitang batiin ng maligayang kaarawan. 🤣😊

HAPPY BIRTHDAY MILABS 😘 We may be distance away. But we know that we still value each other. We care for each other and we always love each other. I wish that God always give you strength everyday kasi malayo ka samin. Walang mag aalaga sayo. Pero bakit mataba ka parin kahit walang nag aalaga sayo? Yung totoo? Ano sekreto mo? Haha! Stay healthy Milabs. I pray and wish that all your desires in life will be granted soon. Focus lang. Everything will be put in place soon. Lahat ng hardworks and sacrifices mo maaani mo in the near future. MiLabs, I just want to remind you that no matter what happen I will always be here whenever you need me. HAPPY BIRTHDAY Ulit. I love you! 😘

-Vina

P.S. Darating ako sa graduation mo. Ipromise 👊🏻

Advertisements

Undefined

Heto na naman ako. Hindi ko alam kung saan aabot ‘to pero magsusulat na naman.

Hindi ko alam kung paano ko isusulat. Kung paano ko sasabihin. Kung paano ko aaminin sa sarili ko na masaya ako at alam ko ang dahilan ng ito. Nitong mga nakaraan araw masyadong magulo ang isipan ko, tapos sumasabay pa ang puso ko. Dumating na kasi yung ex-boyfriend ko na nagwowork sa barko. At ayan nabablanko na naman ako.


Hindi ko alam bat siya yung laman ng entry ko ngayon. Siguro dahil siya yung laman ng isip ko. Siya nga pala si J. Last serious boyfriend ko. 2012 nung maging kami. 2012 din nung naghiwalay kami. Sa madaling salita hindi kami umabot ng taon, anim na buwang kontrata lang kumbaga. Ewan. Hindi nagwork yung relationship namin dahil nagkulang kami pareho sa oras. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya after ng ilang taon. Limang taon na halos walang permanenteng komunikasyon. At limang taon na rin akong walang seryosong relasyon. Masasabi kong single ako simula ng magkahiwalay kami. Nitong mga nakaraang araw Siya yung gumugulo ng isipan ko, alam kong bolero siyang tao at alam kong hindi niya pa kayang magseryoso. Dahil kilala ko siya, yun ang tumatak sa isipan ko. Pero pesteng puso ‘to. Sa mga araw na nagdaan siya yung inaabangan niya sa fb messenger ko.

Wala kasi sa hulog kung mag message siya. Minsan mangungumusta. Minsan naman naman magtatanong ng “mahihintay mo kaya ako?” Basta! Magulo. Nalilito ako kung ano ba ang totoo. Alam kong magaling ako sa ganito eh, yung isip ang mas mananaih kesa sa puso. Pero sa puntong ito naglalaban sila Clash of clan.

Alam kong walang sign na bumalik siya kasi di ko naman nararamdaman. Naidadaan niya siguro sa mga tanong pero gusto kong may gawin kasi siya. Umeffort man lang ba. Ayokong umasa pero di ko na kasi mapigilan eh. Masaya ako kapag nakakabasa ako ng message niya kahit “Hi” lang. naguguluhan nako. At alam kong magulo din yung pagkakasulat ko. Bahala na!

Bakit kaya? “Bayad po!” 

People nowadays, nakakabanas! Yung magpwepwesto sila sa pinakadulo malapit sa pinto ng jeep tas ang kapal ng mukhang ipapa-abot yung bayad. Bwisit na bwisit ako sa ganun. Ang sarap isampal sa kanya yung isang daang tig pipiso ko.Haha! Madalas kapag sumasakay ako ng jeep meron ng nakaupo sa dulo, tas masasabi ko na lang na ‘Shit ako na naman taga abot neto, kondoktor na naman ang peg ko’. Minsan sa sobrang inis ko talaga magbabayad na ako agad tapos uurong na ako. Pero may makakapal talaga ng mukha tipomg kahit malayo ka sa driver ipapaabot pa sayo!  Sarap mo itulak sa jeep bessy! Bakit ako di ko kayang gawin yun, yung ipapaabot sa kapwa ko pasahero yung bayad ko kapag malayo siya sa driver. Saka ko lang ipapaabot yung bayad ko kapag tipong feel ko na hindi siya mahihirapan mag abot. Saka di nawawala sakin yung ‘pakisuyo’ at ‘thank you’ sa ganoong paraan man lang makabawi ako. 

URI NG PASAHERO

Hokage moves Ne, makitabi sa kanto lang ako..’ yung si ateng na ayaw mag abot ng bayad kaya gusto sa may dulo malapit sa pinto.. Style mo teh bulok!

The para-paraan moves Pagkasakay na pagkasakay ni kuya oh ipapaabot agad yung bayad. Di man lang inisip na tatatlo lang laman sa loob. Tas kunwari busy-busyhan siya! Nak ng putek ka oh!

Tulog-tulugan moves favorite ko ‘to. Syempre magbabayad na ko tapos isasalpak ko headset ko sa magkabilang tenga ko. Tas kunwari tulog ang lola niyo. Para lang di mag abot ng pamasahe ng mga nakasakay. Hayahay! 

Waiting  moves heto matindi! Yung tipong dalawa lang kayo tapos nauna siyang sumakay sayo.. Ang tendecy feeling mo nagbayad na siya.. At nung magbabayad kana, naglabas din siya ng pitaka niya sabay sabing ‘bayad po’ sarap batukan ng animal!  

Alam kong kayo din, nararanasan niyo yan sa araw araw. Yung kayo ang mag aabot at kayo naman ang mag papaabot ng pamasahe. Alam niyo yung feeling kapag kayo yung nagpapaabot. Sana di natin kalimutang magpa thank you man lang. 

Closure

Paulit-ulit ko na lang tinatanong kung bakit kailangan pa natin ng closure. Bakit kasi hindi na lang natin kalimutan ang nakaraan at magsimula na panibago. Dahil ba umaasa parin tayo na baka isang araw bumalik siya at maayos pa? hay naku! sa akin kasi nakaukit na ata sa isip ko ang kasabihang “Expect the unexpected” pero sabi naman ng iba, “Expectations hurt” daw, kaya sa tingin ko kailangan talaga natin ng closure.

Masasabi kong sa lahat ng naging ex-boyfriend ko, lahat sa kanila walang closure. HAHA! ewan ko kasi feeling ko, babalik pa sila. Ako yung tipo ng taong ayokong maging kaibigan ang ex ko. Ang awkward lang! Yung feeling na pagkatapos niyong magkasakitan ng damdamin magiging magkaibigan kayo bandang huli! Tss! DON’T ME!

Let me share you something..You might not interested but I am very sure you will read it! HAHA! No choice ka pala eh!

Last week, I tried to get some closure to my ex! Pucha! Masakit pala. (This blog is all about my ex who blocked me on his facebook) Ang sabi ko kasi nung una, okay lang. wala naman na sa akin yun! hindi malaking kawalan. Part of me wants to accept that everything will gonna be fine! Pero taksil na isip ‘to. Naghahanap ako ng reason, so I chatted him using another account. Tinanong ko siya kung bakit niya ako Blinock. Ang sagot niya “Naguguluhan kasi ako” Hindi ko alam kung saan banda ang magulo. kasi Bullsh*t lang! Eh hindi ko naman siya ginugulo. Siya kasi yung ex ko na nakikita ko parin sa future ko, kahit malabong mangyari kasi nga matagal na kaming wala. Pero heto akong si tanga, umaasa pa na isang araw maging kami ulit. Haha! so ayun nga! kahit masakit humingi na ako ng closure.

Masarap sa feeling at the same time masakit! pero tinggap ko kasi gustong gusto ko ng maging masaya ulit. Gustong gusto ko na kasing bawiin ang kalahati ng puso ko. Gusto ko kasi kapag nagmahal ulit ako yung buo na ulit ako. (Nyeta! di ako sanay na madrama ‘to! parang pabebe lang! HAHA)

Ang sabi nga ni Aling Merriam..

 Closure is a feeling that a bad experience has ended and that you can start to live again in a calm and normal way. 

Alam kong naiilang kang gawin yun, dahil masasabi mong “Bakit pa, eh nakapag move-on naman na ako, masaya na ako na wala siya”  (Hala! nangangamoy sunog na ampalaya) Sa tingin ko kelangan mo nga ng closure. Hindi porquet masaya kana at nakapag move-on kana sa kanya, okay na! laging tandaan; mas masarap mag umpisa ng panibagong relasyon kung wala ka ng naiwan sa nakaraan.

Kaya IKAW, Ikaw na nagbabasa ng Entry na ‘to. Kung sa tingin mo gulong gulo ka parin at gusto mo ng closure. Gawin mo na habang maaga. Wala namang mawawala eh. Hindi man kayo magiging friends bandang huli at least walang bitterness kapag nagkita kayo ulit. kasi napaka unfair sa karelasyon mo kung hanggang ngayon hindi parin nasasarado ang nakaraan mo.

Pero kung hindi mo pa kaya ngayon, maiintindihan kita. May tamang panahon para jan at baka katulad mo ako na umaasa parin. Kapag nakaya mo ng APIR TAYO!

Pa-fall ka!

​Heto ba yung umakyat ka sa puno, tapos na out of balance ka kaya ang tendency mafa-fall ka. (kapit lang kasi. Kaya pa yan!) 

O di naman kaya, mahimbing yung tulog mo tapos yung bigla ka na lang magigising kasi feeling mo mafa-fall ka! (pero seryoso! Nangyayari ‘to.) 

Pwede rin namang nagmamadali kang umakyat sa hagdanan tapos bigla kang natisod, kaya ang mangyayari mafa-fall ka. (Tanga lang neh? Haha! Jk. Ingat kasi!)

Sa tingin mo alin ka jan?  Hmm.. Wala ba sa tatlo?  O baka heto ka.. 

Alam mo yung feeling na ang bait niya sayo, yung tipong wala kang maririnig sa na bad words sa bibig niya, yung siya ang advicer mo sa tuwing may problema ka. Tapos mapa personal or text maipaparamdam niya sayo ang sweetness niya. (san kapa?  Woah!) at heto pa, yung sobrang caring niya, tipong mag aalala siya kapag nagskip ka ng breakfast bago pumasok sa school/work, magaalala siya kapag gabi kana umuwi.  Kapag nakalimutan mo siyang imessage, tatawag siya sayo para lang malaman kung okay ka lang ba. yung masasabi mo na lang na “girlfriend/boyfriend material” siya!  Pero hindi niya alam sa likod ng pagiging mabait, sweet at caring niya nafa-fall kana pala sa kanya.  Gusto mo na siya. Aaminin mo ba?  

Tapos,  one time nakita mo siyang may kasamang babae. Hawak niya ang kamay niya habang tumatawid sila sa daan. Tinawagan mo siya.  Minura mo.  At sinabi mong “pa-fall ka”. At sinabi mo pang “king ina naman oh!  Sa susunod huwag mong hahawakan ang isang bagay, kung bibitawan mo rin naman pala” with matching iyak iyak pa! 

Haaaaaaaaaaay! :mrgreen:😁

Ate/kuya, wag kasing assumera!  What if natural sa kanya ang pagiging mabait,  sweet at caring.  What if sa ganoong paraan niya itreat lahat ng kaibigan niyang lalaki/babae. Masasabi mo pa bang pa-fall siya? 

Kapag nangyari yan sayo,  mas mainam kung tanungin mo siya ng “Ano bang ibig sabihin ng mga ginagawa mo? Kasi naguguluhan ako. “ Mas magandang linawin muna ang mga bagay bagay bago magconclude. No assume. Less hurt feelings.

Love is sweeter the second time around

​Agree or Disagree? 

Siguro agree ang iilan. 35% out of 100% maybe. Pero, sasabihin ko sayo.. Malabo na maging healthy pa ang relationship niyo.

(Paano ko nasabi? Wala.  Feel ko lang ulit,  bakit ba?)

Teka!  Isa kaya ito sa mga rason mo kung Agree o Disagree ka man.

(AGREE!) 

Nagkabalikan lang kayo kasi namiss niyo ang isa’t isa e. Diba? Tikman moko.  Tikman kita. Tikman ulit natin ang isa’t isa.  PAK GANERN! 

PWEDE RIN NAMANG…. Sa tingin ko beh, magwowork na ang relasyon natin ngayon. Mga totoy at nene pa kasi tayo nung unang maging tayo.  Matured na tayo ngayon. Try ulit natin ngayon. 

(DISAGREE!) 

Bakit pa?  Sinaktan mo na ko noon, tama na ang minsan na nabaliw ako sayo.  Nauntog na ako sa katotohanang hindi ka malaking kawalan sa akin. 

Sorry Ex.  Pero may mahal na akong iba ngayon.  Mahal niya ako, gaya ng ibinigay kong pagmamahal sayo na hindi mo man lang nakita noon.  Tama na! Wala ng second chance. 

Pero hindi naman natin mapipigilan ang puso kapag tumibok na ulit yan diba? kahit sa maling tao pa.  Sa ayaw at sa gusto mo,  susubok at susubok ka parin!  Kaya bahala kana sa buhay mo! :mrgreen:😁😂

Ang Love ay sweet kapag bago pa lamang.. Pero wala ng mas tatamis pa kapag ito ay totoo!

Love over Career Vs. Career over Love

​Napanood mo na ba yung movie nila Bea Alonzo at Gerald Anderson?  “How to be yours”? Alin ka dun?  Choice A or Choice B? 

(Choice A) LOVE OVER CAREER. Choice ito ni Bea sa Movie.  Nung una. Pero madalas mga teenager ang nasa Choice A. Mapupusok na kasi ang mga kabataan ngayon, hindi ko nilalahat pero, marami ng nabubuntis na kabataan sa murang edad.  minsan na rin akong napadaan sa edad nila at masasabi kong hindi madali. Maraming pagsubok. Hahamakin lahat para sa Pag-ibig na yan. Aral muna beh.  Marami ka pang pagdadaanan. At saka para gumanda ang kinabukasan.  Pak ganern!  

(Choice B) CAREER OVER LOVE. Heto naman yung Choice ni Gerald.  Nung una din. Kaso naging Choice A siya nang makilala niya si Bea. Wow ha!  Masasabi kong mga bitter. Sawi sa pag-ibig. Priority ang family. Mga gustong lamangan ang kayamanan ni Pacman, ang gugustuhin mapunta sa choice na ‘to.  Haha! Feel ko lang.  Bakit ba? “forget about love and focus on my career” ang tema! Minsan kelangan din umibig uy!  Para may konting kilig naman sa katawan mo.  Wag masyadong magpakastress sa trabaho.  Take a break babe! 

Ikaw,  Anong Choice ka ba?

Hindi ba pwedeng happy lang?

​Ang hirap maging masaya lalo na kung maraming hadlang! PAMILYA.  SCHOOL. TRABAHO.  KAIBIGAN. Minsan pati si LUGAR humahadlang na rin!  Nakakabwisit diba? 

PAMILYA – heto yung hindi sila boto kay Girl/boy sa maraming dahilan.  Fuck!  Hindi ba pwedeng maging masaya na lang sila kasi may lovelife ka?  Haha!  Minsan may panama din naman sila,  pero bakit hindi muna nila kilalanin si Girlfriend/boyfriend para naman malaman nila yung ugali niya.  Diba? 

SCHOOL – heto naman yun, kahit mahal na mahal niyo na ang isa’t isa.  Hindi parin pwedeng maging kayo kasi dapat muna kayong magtapos ng pag aaral.  Nyak!  Saklap!  Hindi ba pwedeng Let’s study together with matching lantong lantong pag may time? 

TRABAHO – Let say kayo na!  Mag-jowa na kayo ni Dudong.  Pero di naman masaya si Inday sa workplace ni Dudong, nagseselos man gid sa kaworkmate ni Dudong.  Yikes!  Hanep! Minsan kelangan mong isipin ang future.  At saka,  kung loyal yang si Dudong sayo at may trust ka sa kanya,  hindi yan maghahanap ng iba.  Ikaw lang beh sapat na!  Haha! 

KAIBIGAN – heto yung, ayaw mong maging kayo kahit gusto ko siya kasi ex niya si Friend. Waaaah!  Umiyak kana ng isang balde! Bakit ba kasi pinipigilan mo yung nararamdaman mo?  Napaka easy lang niyan.  Kausapin ko si friend na parang ganito.  “friend, alam kong ex mo si Coco Martin,  pero mahal ko na siya.. Magagalit ka ba kung sasagutin ko na siya? ” pero syempre hindi mo gagawin yun. Kasi ayaw mong masira yung friendship niyo at baka hindi na kayo makapgpost sa fb ng ‘#frienshipgoal’ ni friend! hay naku! Sarili mong puso winawasak mo. 

Lastly.. 

Si LUGAR – Taeng Lugar yan oh!  Pati talaga siya hadlang sa hapiness mo.  LDR pare!  Long Distance  Relationship. Maraming tao ang nawawasak sa LDR. Lapitin kasi sa tukso eh!  Minsan naman magsasawa na lang kayo sa isa’t isa kasi ang layo niyo.  Kahit gusto ka niyang suyuin kapag nagkatampuhan kayo.  Wala. Wala kang magagawa.  Paano pa kung nasa ibang bansa yan?  Goodbye happiness na lang ba at feel you when I feel you again? OUCH! 

Happiness needs every people in the world. Bakit pinagkakait pa?  Why so madamot at madaming hadlang? 

But why don’t we create a room for our own happiness? Then let’s Lock it so no one can get it. That’s it! Happiness is a choice and everyone deserve to be happy! :):):)

Mahal kita pero..

​Oops!  Hindi heto yung kanta ni Janella Salvador!  Heto yung Mahal mo na pero kaibigan ka lang sa kanya!  Sakit pre!  Natry mo na ba?  Yung nahulog ka sa kaibigan mo kaso hindi ka niya sinalo? Ouch!  Minsan kasi kahit aminin mo sa kanya,  deadma lang yan si friend.  Kunwari walang nararamdaman sayo pero deep inside may gusto na rin siya sayo! Yay! Magsaya kana kasi Mutual ang feelings niyo!  Kaso maiisip ni friend na, mas mainam na manaig na lang ang friendship niyo kesa maging kayo.  Kapag friends  kayo,  walang break-up!  Kapag naging kayo,  for sure kapag nag break kayo.  Malabo ng maibalik yung dating samahan niyo.  Kaya nga-nga ka! #Friendzone ang abot mo!  MAHAL KITA PERO.. mas okay kung friends na lang tayo!

Kaya ko pa naman!

​Ang sabi nila masarap daw sa feeling kapag in love. Tama naman diba? Pero hindi ba’t mas masarap sa pakiramdam kapag ang taong gusto mo ay gusto ka rin niya. Pero paano kung ang taong mahal mo ay bumitaw na?

Tama bang ipagpilitan mo pa at sabihin “Kaya ko pa naman”. Heto yung salitang ayaw mong bitawan kahit masakit na! hay naku! kapag tinamaan ka nga  naman talaga ng lintik na pag-ibig na yan oh kahit ano gagawin mo para lang sa kanya!  One sided love kumbaga. Mahal mo nga. Mahal ka pa ba niya? 

KAYA KO PA NAMAN KASI..:

#1) alam kong may konting pagmamahal parin siya sakin

-Trending kaya ang salitang “MOVE-ON” naku naman! niloloko mo na lang ang sarili mo! Iniwan kana nga nya ayaw mo paring aminin  na wala na talaga! IT’S OVER DUDE!

#2) nanghihinayang ako sa tagal ng relasyon namin.

-Sus naman Marekoy! Wala naman talaga sa tagal ng pagsasama yan! Kung mahal ka pa talaga niya, Hindi siya bibitaw! 

#3) yung mga happy memories namin. Masasayang!

-Siya nga hindi na alam kung ano ba yung mga happy memories na yun e! bumitaw na nga kasi siya. 

#4) pinakialala ko na siyasa  buong angkan ko! Paano na?

-Siguro, sa bagay na ‘to ako manghihinayang talaga! Yung tipong kilala na siya ng buong pamilya mo at kapag nalaman nila na hiwalay na kayo, babagyohin ka nila ng tanong. Yun talaga ang pinakaiiwasan ko! Uungkatin nila lahat-lahat kung bakit at paano nangyari? Nakakarindi diba? (Kaya sige, hangga’t kaya mo pa! (PUSH Lang tol!)

#5) single parin ang status niya sa Facebook.

-Paano kung hindi niya lang nilagay na ‘in a relationship’ na pala siya! Dahil alam niya in-stalk mo parin ang wall niya! HAHA! 

Wag mo ng ipaglalaban ang isang bagay na alam mong sa simula pa lang talo kana! Kahit sabihin mong “Kaya ko pa naman!” Ang tanong, HANGGANG KAILAN?