Sa likod ng aking mga ngiti 

​Ilang taon na ang lumipas.  7?hmm mali!  8 years na! Ang tagal na pala. Paano nga ba tayo nagsimula? “May ibibigay akong textmate sayo” yan ang sabi ng kaibigan ng ate ko. Pero bago pa tayo magkatext’san nameet na kita.  Sa jeep at sa tricycle. Tanda mo pa ba nung sumakay ako sa jeep?  For sure natatandaan mo kasi naka mini skirt kami nun at pasimple kayong ngumingiti ng mga kasama mo (psh! Manyak) pero ang cute mong ngumiti ha.  yun ang una nating pagkikita.  Tapos sa may tricycle?  For sure hetong part na ‘to hindi mo na tanda! Yung sumakay tayong tatlo sa tricycle; ako, ikaw at yung pamangkin ko.  Nasabi ko pa nga sa sarili kong “shet!  Ang gwapo naman neto” napag desisyunan kasi natin sumakay sa tricycle kasi walang dumadaan na jeep, at parang may lakad ka kasi that time! Hindi ko sukat akalain na magkikita tayong muli.  Tapos heto na nga naging magtextmate tayo.

Fiesta sa amin.  Ikaw yung tipo ng taong kapag may mga bonggang okasyon nandoon ka! “panauhing pandangal” ang peg mo!  Heto na yun!  Nagmeet na tayo! Hindi ko inaasahan na ikaw yung nasa jeep at tricycle.  Shet!  Ang cute mo pala talaga! First meet natin nameet mo na agad ang family ko. Astig ka talaga!  Niyaya ka ng mga kuya kong uminom sa amin.  Ayos ka din naman at sumama ka kaagad!  Dapat wag ganun!  What if mga adik pala mga kuya ko? Tapos papatayin ka nila?  Haay naku!  Haha! After ng araw na yun madalas na tayong nagpapalitan ng mensahe.  Nanligaw ka at hindi nagtagal naging tayo.  Ikaw ang first boyfriend ko!  Ikaw ang unang lalaking pinakilala ko sa family ko. Masaya!  Masaya ako na naging boyfriend kita. Natatandaan mo pa ba nung 1st monthsary natin at nakalimutan mo akong batiin?  Diba nag break tayo nun?  Bakit kasi nakalimutan mo?  Alam mo kasi, sa aming mga babae importante ang mga ganung bagay.  Nagbreak tayo!nasabi ko na lang sa sarili ko na.. “Haaay! hindi naman pala seryoso ‘tong lalaking ito simpleng bagay lang hindi pa maalala” naiinis ako nun!  O.A. ako ‘no?  Akala ko iyon na ang katapusan ng relasyon natin.  Dumating mga classmate ko at gusto nilang mamasyal.  Tinext kita dahil kulang yung sasakyan na gagamitin namin. Gumala tayo.  Pinuntahan natin yung madalas puntahan ng mga turista sa atin.  At shing! Nagkabalikan tayo after!  Ang bilis lang. Landiii ko!  Mahal kasi kita kaya binigyan ulit kita ng chance.  Naging okay tayo pagkatapos, naging masaya ang takbo ng relasyon natin. January 1, 2009 New year ng pumunta tayo sa inyo at ipinakilala mo ako sa mama mo! Nasabi ko na sa sarili ko “wow!  Seryoso na ata ‘to sa akin” hindi ko makakalimutan yun kasi sobrang saya ko! At finally nameet ko na ang mama mo!  Sad to say lasing na ang papa mo kaya hindi ko siya nameet! Meron pa yung every saturday pumupunta ka sa bahay kasi wala tayong pasok sa school that day! Nanonood lang tayo ng mga drama, kwentuhan tapos uuwi ka ng late.  Masarap sa feeling! Pero dumating yung oras na naging cold ka sa akin, magtetetex ka sakin kapag wala akong load. At kapag nagpaload naman ako naka limang text ka pa lang saaabihin mo ng “goodnight na. Paubos na kasi pantext ko” nakakasama ng loob. Parang mababaliw ako sa kakaisip kung anong nagawa ko at bakit naging cold ang treatment mo sa akin. Dumating yung punto na nagbreak tayo dahil may babae ka! Ang sakit sobra! Sumabay kapa sa problema ko that time,  kasi hihinto na ako sa pag aaral at hindi ako makakagraduate. Lumayo ako di dahil nasaktan ako,  lumayo ako kasi kelangan kong maghanap ng trabaho!  (tss! Assuming ka) pero part ng paglayo ko ay para makapg move on din sayo! Nagpakabusy ako sa work! Nawalan na ako ng balita sayo.  Wala na tayong communication.  Wala na lahat!  Pero shet! Kabisado ko parin phone # mo!  Pero hindi kita tinext or tinawagan!  Behlat! 😝  asa!

Dumating yung time na nagka boyfriend ako. Pero hinahanap hanap parin kita sa kanya! Unfair diba?  2 months lang kami tas break na! Nagboyfriend ulit ako, nabighani ako dahil marunong siyang mag gitara, naging kami at 3 months naman ata itinagal ng relasyon namin. Sa paraang iyon unti unti na kitang nakakalimutan. At dumating siya. Nagkaboyfriend ako ulit. Umabot kami ng taon.  Siya yung pangalawang lalaking pinakilala ko sa pamilya ko. Akala ko talaga road to forever na ‘to!  Nagbreak after a year! Nagkasawaan! Doon ko napatunayan na wala talagang forever!  Hahaha! Pero hindi ako natakot sumubok ulit.  Nagkaboyfriend ako nung mag aaral ulit ako.  First year college ako nun sa pangalawang school ko. Umabot kami ng 6 months!  Parang tayo lang! 6months contract, Ang pinagkaiba nga lang ikaw ang first love ko! Siya yung last boyfriend ko. Akalain mo ba naman na single parin ako hanggang ngayon.  4 years na!  Yay!Dumating ang isa…dalawa..tatlo…walong taon Nagkaroon ulit tayo ng communication,  chat sa fb at text.  Pero Nag o’ojt  na ako kasi graduating na ako finally!  Nabanggit mo sa akin na papunta kana ng abroad.  Haaay!  Ang layo!  Masaya naman ako para sayo, sa wakas! Aalis kana! Magwowork kana!  Tapos sa malayo pa! Woah!  Tanda mo pa ba nung paalis kana, pauwi ako nun kasi may gagawin ako sa school kinabukasan,  gusto mong magkita tayo bago ka umalis.  Ang sabi ko nakasakay pa lang ako ng bus.  Ang sabi mo hihintayin mo ako dahil kahit sa huling sandali lang gusto mo akong makita. Sabi ko hindi na ako aabot, pero ang totoo niyan nakababa na ako ng bus!  I wanted to see you pero pinigilan ko ang sarili ko. Masasaktan lang ako,  baka hindi na kita paalisin! Tinext kita at sinabi kong mag ingat ka na lang dun at hihintayin ko pagbabalik mo. Ang sabi mo sakin sandali lang naman ang 2 years! Grumaduate akong wala ka.  Pero nitong huling mga araw madalas na tayong magkachat, nagvivideo call pero ikaw lang ang nagpapakita.  Haha! nahihiya ako! Nahihiya ako sayo,  samantalang ikaw natural na natural ka sa sarili mo.  Meron pang time na magbibihis ka sa harap ng camera, tapos sinabi kong “Grabe ka talaga! Makapagbihis sa harapan ko pa talaga” at sinabi mong “pikit ka kasi, sinabi ko bang tignan mo” abnormal ka talaga!  kakain ka ng sandwich at magkakape. Magluluto ng tinola, Para lang akong tangang nakangiti at pinagmamasdan ka! At ang malupet uutot kapa talaga na nakikita ko!  Kakaiba ka talaga! Napakanatural mo kapag kausap ako!  sa mga simpleng bagay na yun napapangiti mo ako! Ilang araw na sunod sunod akong napupuyat dahil kausap ka. Masaya! Masaya akong muli. Hindi ko alam kung hanggang kailan itong sayang idinudulot mo sa akin. May mga oras na sinasabi ko sayong “uwi kana kasi” gustong gusto kong sabihin na namimiss na kita kaso nahihiya ako.  Pero salamat! Salamat dahil sa kabila ng lahat,  ikaw parin ang dahilan ng mga ngiting ito!:):)

#DJ

To the man who left me without a valid reason!

​Ang sakit lang! sobra! okay naman tayo nung una, Masaya ka. Masaya din ako kapag magkausap tayo sa phone. Pero bakit anong nangyari at bigla ka na lang nagbago? Is it because you found another one? Hindi naman siguro diba? natatandaan mo pa ba  ang mga gabing magkausap tayo? yung sabay tayong matutulog at hindi natin papatayin ang call. tapos kinabukasan tatawag ka at sasabihin “Good morning babe! kagigising ko lang” gustong gusto kong naririnig yung boses mong bagong gising! Namimiss ko na yun! Namimiss na kita! tapos bigla na lang nawala at ang sabi mo sa akin magfocus na lang muna tayo sa sarili natin. sinubukan ko naman pero sa tuwing maiisip kita hindi ko maiwasan na hindi ka kamustahin, para akong tanga na kahit walang reply mo heto pa rin ako tinetext ka. May mga oras na tatawagan kita kasi namimiss na kita, pero hindi mo sinasagot! Anong pagkakamali ba ang nagawa ko? kasi hindi ko alam. Hindi mo sinabi sa akin, basta ka na lang umiwas. Sana magka girlfriend ka na! para iyon ang maging motivation ko para kalimutan ka! ayoko pa sana, pero napapagod na rin kasi ako. Pagod na akong umasa na babalik yung dating ikaw! nakakapagod na ring ipaglaban ang isang bagay na alam mong sa una pa lang wala naman talaga! alam mo bang hinihiling ko na sana hindi ka na lang bumalik ulit sa buhay ko! ang sabi ko pa sayo dati “Huwag mong hahawakan ang isang bagay kung bibitawan mo rin lang” pero heto ako! binitawan mo parin! Ang sakit! Gusto ko ng magpaalam sayo, kahit sa ganitong paraan man lang. Sana matupad mo lahat ng mga pangarap mo. Sana yung mga plinano nating dalawa tuparin mo parin kahit hindi na ako yung kasama mo! Gusto kitang pasalamatan sa lahat ng bagay na nangyari sa akin kasama ka. Maraming salamat at kahit papaano naging parte ka ng magulo kong buhay! Mag iingat ka sana. I hate to say Goodbye but I need to. I just need to accept the fact that you don’t want me anymore in you life! Good bye!

My Facebook messenger Buddy!

​Meron din ba kayo?  Yung tatawagin mong ka-buddy mo sa chat? Tipong madalas mong ichat kapag.. May Problema ka. Masaya ka.  Heart broken ka.  Kapag lumalablayf ka. May bagong chismis ka. At pinakamadalas kapag naboboring ka.  Sino naman siya? ako kasi meron.  Siya ay si R! (ang bulok!  Parang sinabi kong siya ay CR)  HAHA!  😂:D:mrgreen:

Heto na.  Seryoso na! 

Hi sayo messenger buddy!  Madalas man kitang ichat kapag boring ako.  Pero wala ka paring sawang replayan ako sa kakulitan ko. Minsan pinapatulan mo yung pagka makulit ko, kaya ang labas..  Nagka-clash tayo!  world war! Pano ba naman abnormal ka!  Haha!  😂Gayunpaman, masaya ako! Masaya ako na palagi kang nariyan sa oras ng kagipitan! Chos! Minsan natatanong ko na lang, ‘Hindi kaya ‘to nagsasawa na kachat ako?’ boring kaya ako kachat minsan. 

Ganito kasi yan!

Hindi ko mawari kung ano ang ugali niya. Minsan bully siya! Pero madalas feeling ko may gusto siya sakin!  Haha!  (Mafeeling ba ako?) Psh! Pano ba naman lagi siyang nagsasabing ‘ako na lang kasi mahalin mo,  di ka pa masasaktan.’ at ang walang kamatayang ‘Hindi man kita mabibigyan ng magandang buhay. Mabibigyan naman kita ng magandang lahi’ YUCKS KA!  Pero nitong mga nakaraang araw palagi niyang sinasabing ‘Date mo na ako’ o kaya minsan..  ‘Imissyou’ tapos may kiss emoticon pa!  Naku naman R!  Kadiri ka! Haha! Pero siya yung lalaking bibigyan ka ng advice kapag broken ka,  papasayahin ka niya kapag malungkot ka.  Kakantahan ka niya kapag boring ka.  Ang malupit pa,  mumurahin ka niya kapag nagmumukha ka ng tanga sa mga bagay na di naman dapat. Magseseryoso yan kapag seryosong usapan na.  At kapag kunwari matagal kang magreply o nagtampo kunwari siya sasabihin niyang ‘Hindi na kita mahal’ tapos kapag nalaman niya yung reason kung bakit late ang reply sasabihin niyang ‘Sige mahal na pala kita ulit’Muntanga lang!  ginago ba! Haha! Tipong yung mga advice niya sayo hindi niya kayang iapply sa sarili niya kaya sakin niya pinapagawa.  Gg ka talaga! Pero Kakaiba siyang talaga!  Alam mo bang na-appreciate ko lahat ng ginagawa mo. Kagaguhan man yan o kabutihan. Haha!

Pero..  Paano nga ba kita mapapasasalamatan? Kapag nadate na ba kita?  Sapat na yun?  Pano kung irape moko after kitang maidate? Manyak ka pa naman minsan!  Haha!  syempre mapapatay muna kita bago mo magawa yun! Haha!  Siguro kapag nabasa mo ito, tatawa ka lang. Ngingiti at maiisip mo lahat ng kabaliwan mo. Natin.  Madalas man akong mag open sayo sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ibig sabihin na boring lang ako.  Isa lang naman kasi ang ibig sabihin nun.  Ibig sabihin pinagkakatiwalaan kita! Dapat alam mo yun! Kaya mga secret ko pakatago tago mo dapat. 

Alam kong darating yung time na mawawala ka.  Magiging busy ka at ganun din ako. Magkakaroon kana ng Girlfriend at sana. Sana. Sana ganun din ako.  Hindi girlfriend ah. Gusto ko boyfriend! Haha! Sana kahit ganun pa man ang mangyari, walang limutan.  Mapuputol man ang communication natin. Mawala man ang facebook messenger.  Syempre ano pa nga ba?  Wala naman tayong magagawa kapag nangyari yun!  Edi text text na lang!  Haha! Ano pa nga ba,  diba? 

———-

Dear R, 

I just want to say thank you for always being there for me.  For always making me happy. For doing your best to make me believe that I can when I think I can’t! For pushing me to give my sweet Yes to my crush so we can be together as lover!  Kaso alanganin eh!  50-50 na sure siya sa feelings niya.  Kaya wag muna ngayon!  May tamang timing para jan! I still remeber when I chatted you one time and asking if how are you na. You replied to me “okay lang ako. Kaya dapat okay ka din. ’ at may kasama pang ‘Imissyou’ that was the sweetest message you sent to me ever!  Pero don’t assume! Hindi ako kinilig.  Napprecite ko lang. I felt that you really care for me a lot. Thank you so much buddy! 

Lubos na nagdadrama, 

VeeNaleektud
——

Minsan hindi lang dapat sa magandang sasakyan o sa maraming pera para  masabi mong kuntento kana. Kasi ako,  masasabi kong..  Magkaroon lang akong kaibigan na gaya ni R ay Sapat na! (Weh? Di nga?) syempre joke lang yun noh!  Sinong di kuntento kapag may car at maraming pera diba? haha!  Peace yow!  But seriously, I appreciated you!

Don’t be sad. Be happy!

Mahirap magpretend na masaya ka kahit hindi naman talaga! Pero mas mahirap magpretend na malungkot ka kapag masaya ka! Diba? O’sige try mo nga!😂

Oo nga’t hindi na natin maiiwasan yang si sadness. Asungot yan sa buhay natin. Bakit ba naman kasi naimbento pa yang emosyon ng kalungkutan eh. Bakit hindi na lang happy palagi. Baaakit? Kasi nga daw ang awkward. Think of it! Nanakawan kana’t lahat lahat masaya ka parin. (Ang pangit naman ata diba?) Namatayan kana nga masaya pa parin. (Oh-uh! That’s crazy!)

Pero wait lang! 

Pwede mo naman kalimutan at isantabi na muna si sadness. Wag na wag mong hahayaan  na ibaon kana lang niya sa kalungkutan.  Be happy!:):):)

Kapag nalulungkot ka dahil sa patong patong na problema… isipin mo lang lagi na lahat tayo may kanya kanyang problema. Nasa atin lang kung paano natin sosolusyunan. Palagi mong isipin na challenges lang lahat ng pinagdadaanan mo. At hinding hindi ka hahayaan ni Bro (si Lord) na isolve yang challenges mo na ikaw lang na mag isa, lagi yan nasa likod mo naka antabay. Kapag feel mo down na down kana talaga. Pray lang! Sa ganoong paraan gagaan ang loob mo. Promise effective yan!

Heart broken ka kasi nagbreak na kayo ng jowa mo! At sasabihin mong “ayoko ng mabuhay! Hindi ko kaya ng wala ka!” Toink! Hello? Sa isip mo lang yan teh! Don’t me! Wag kang ano jan! Pero kaya mo talaga! hindi lang naman siya ang naging girlfriend/boyfriend mo diba? For sure pang lima na yan! Aminin mo! Haha! Sabi nga nila, “kapag may umalis, may darating” Cheer up! don’t let your broken heart pull you down. Mababaliw ka! 

—–

Pero seryoso, ang punto ko lang naman kaya nakapag blog ulit ako sa kadahilanang masama loob ko kasi blinock ako ng ex ko sa facebook niya! Hindi ko alam kung bakit, wala akong kasalanan sa kanya. Feeling ko nga bakla siya at insecure lang siya sa beauty ko at ayaw niyang nakikita yung fezlak ko sa wall niya. Yun na lang ang iniisip ko kasi ayokong maging malungkot. Simpleng bagay lang yun!  Haha! YUN LANG naman! Hanggang sa muli. Mwa!💋

Confession!

Dear Brad, 

Hi sayo!  Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Haha!  Nasha-shy ako Confession ‘to!  Kaya Humanda ka! 

💋Masaya ako kapag kausap at katext ka

💋Napapangiti mo ako sa mga simpleng bagay 

💋Kinikilig ako kapag nagstrum kana sa gitara

King ina! Sign na ba ito na in love na ako sayo? Dati wala lang naman ito.  Simpleng textmate lang tayo. Walang halong malisya kapag magkausap tayo. Adviser mo ako sa lovelife mo, todo push pa nga ako sayo na magkalovelife ka diba?  I even gave you a textmate,  not just once but thrice! Haha! Dumaan ang maraming taon. Medyo nag lie-low tayo. Madalang na lang tayong magkausap dahil naging busy ka sa pag ibig mo.  Nagselos pa nga ata si Gf sa akin e. Kaya ayun!  Umiwas ako.  Madalang pa sa february 29 kung magkateksan tayo. :mrgreen:😁 

Isang araw,  nag message ka sa fb.  Nag ‘Hi’ ka. Nagreply naman ako.  Kaso di kana online nun. Maraming beses nangyari yun, hindi tayo nagpapang abot sa fb.  Kaya nung nag message ka ulit natyempo na online ka at online ako. Nagkapalitan tayo ng mensahe.  Nagkayayan tayong manood ng sine!  1st time!  First time talagang mangyari.  Sa una okay pa!  Kasi diba, friendly sine date lang naman yun.  Haha! Ang balak nating panoorin yung “Me before you” kaso wala na.  Kainis!  Kaya laglag tayo sa conjuring 2.  Tinanong nga kita kung napanood mo na yung conjuring 1 e.  Ang sabi mo ‘Hindi pa’so pareho pala tayo?Haha! 

Nung nasa loob na tayo. Nagkwentuhan saglit kasi di pa nagstart yung movie. Kawawa ka nga nun e,  wala ka pa atang tulog dahil GY yung duty mo.  Pero nagkatime ka parin.  Nung nagstart na yung movie.  Focus na tayo sa screen.  Minsan nagugulat ako.  Pero di ako natakot.  May part na boring. Nung feel ko na boring na boring at antok na antok kana. Inalok ako na matulog ka sa balikat ko.  Kaso matangkad ka.  Bulilit lang ako.  Haha! Kaya nahirapan ka, pero ginawa mo parin.  Nung part na nagugulat at medyo naduduwag na ako. You held my hand.  Inintertwined mo! Tae ka! Bat mo ginawa yun?  Awkward!  Ang sabi mo pa ‘Para di ka matakot’ Teka! Kikiligin na ba ako? Napaisip ako nun.  Ano ba ‘to!  Magkaibigan tayo pero bakit may pahawak hawak ka ng kamay.  Pero biglang naisip ko na,  ahhh.. Ganito din naman ako sa other friend ko.  I allow them to hold my hands.  Pero babae sila! Hahaa! Ikaw hindi. Haha!  After ng movie, umuwi na tayo. Gusto mo pang kumain kaso gagabihib na ako e. Tapos… Nagkateksan tayo kinagabihan.  Pinag usapan natin yung movie. May mga sweet convo pa tayo. Kinilig ako. Nagexpect na may gusto ka sakin.  Pa-fall ka. Haha!  Tanga ako.  Umasa ako e. -END!

NagkaGf ka!  Si Manila girl. Napapasaya ka niya.  At masaya ako para sayo. Gabi gabi natin siyang napagkwekwentuhan.  Minsan after 2 hours bago ka pa magreply.  Tapos one time ang sabi mo pa ‘Saglit lang brad,  nagchat siya’ so ako.  Okay na lang!  Girlfriend siya.  Kaibigan lang ako. 

Lumipas ang ilang months,  nagbreak kayo! Kasi selosa siya.  At ayaw mo ata ng ganun yung nasasakal ka.  Nakwento mo ulit sa akin. Madalas ulit tayong magkatext,  kaso hindi na ako gaya ng dati na umaasa.  Wala na e. Nawala bigla yung konting feelings na meron ako sayo dati.  Biglang nagtext si Manila girl at gusto niyang magkita kayo. Wow!  May mga tinanong ka sakin na nakakagulat.  Haha! Desperada ata si ateng! Pero sabi ko ikaw bahala kung makikipag kita ka. 

Brad,  nitong mga araw.  May sinabi ka sa akin na napaisip ako.  Gusto mo akong maging girlfriend, kaso ang tanong,  mahal mo ba ako o sadyang no choice ka na lang? Gusto kita. Masaya ako kapag magkatext tayo.  Pero feeling ko hindi pa ako ready sa commitment. Masaya ako na magkaibigan tayo.  Pero andun parin yung kilig kapag naguusap na tayo. May tamang panahon para sa atin.  Hindi pa yun ang tamang panahon ngayon.  Malay mo next year diba? Or after 3 years.  Haha!  Sa ngayon, enjoyin na muna natin kung anong meron tayo. 

Iba yung gusto sa mahal brad.  Sa ngayon, GUSTO KITA. 

Lubos na nagcoconfess, 

Veenaleektud

Kapag hindi mo na kaya, Bitaw na!

​Nagmahal.  Nasaktan. Sumubok muli. Umibig for the 2nd, 3rd, 4th time. Sinaktang muli. Aray ko beh!  Bakit? 

When you love someone, you need to give everything. Sige lang, Wag kang magtitira para sa sarili mo!  Ganyan ka naman e! Tanga. Martyr. Haha!  Peace!  

Pero seryoso.. 

Kapag nagmahal ka, asahan mo ng masasaktan ka.  Magkakambal yan!  Hindi yan pwedeng paghiwalayin. Pero gaya ng sabi ko,  kapag nagmahal ka ibigay mo lahat.  Sige lang ipush mo!(Paano kung masaktan at iwan lang ako ulit?) syempre itatanong mo yun sa sarili mo. Pero, (Paano kung mali yang iniisip mo?) Nasaktan ka man sa una mong minahal,  malay mo sa pangalawang pagkakataon nasa tamang tao kana pala. What if,  hindi mo binigay yung best mo,  kasi natatakot ka ng masaktan muli. Nakapa unfair naman ata sa susunod mong mamahalin diba?  Kaya itodo mo na!  

Pero bes! kung magmamahal ka sa iisang tao at paulit ulit ka na lang sinasaktan. Very wrong na yan!  Wag na!  Kung hindi niya rin naman susuklian yung love na binibigay mo sakanya, ibang usapan na yan!  Wag mo ng ipilit pa. Baka hindi talaga siya ang ka red string mo. (Born for you ang peg)

Laging tandaan: masarap sa feeling kapag mahal ka ng taong mahal mo.  Pero wag kang matakot sumubok sa oras na masasaktan ka. Try and try lang!  Hintayin mo siya at ipagdasal.  Dadating yan! Natraffic lang! 

Pero sa oras na pagod na pagod ka na talaga at hindi mo na talaga kaya.  Bitaw na!