Para sa Best friend ko πŸ˜˜

Idadaan ko ‘to sa letra! Kumusta kana? Wala na ba? Wala na ba yung dating tayo? Hmm.. ibig kong sabihin ay yung dating tayo na palaging magkausap sa gabi. Kumustahan at chikahan kapag may libre tayong oras. Nakakamiss. Namimiss ko na yung ganun.

Hindi ko alam kung kelan picture ‘to. At kung bakit tayo nag picture ng ganito haha! Nagpicture tayo bago matulog. Namimiss ko na ikaw katabing matulog.

P.S. Lahat ng picture dito ay pinicturan ko lang ulit sa laptop ko. Gigil ako eh, Ayaw mag connect ng phone ko sa laptop 😭

Hetooo pa!! Feeling ko naman dito bagong gising tayo πŸ˜‚πŸ€£

Nakakamiss lang din yung mag mo-movie marathon tayo hanggang sa antukin tayo tapos mag uutusan tayo kung sino magliligpit ng laptop kasi pareho na tayong tamad tumayo haha! Miss ko na din yung tutugtugan moko ng gitara habang kumakanta ako, at meron pa yung magrerecord tayo ng video tas magduduet tayo. Tapos kapag pangit yung kuha buburahin ko hanggang sa wala na tayong magandang kuha at wala na din tayong video.

Eh yung panahong gala tayo? At kung saan saan lang pumunta? Namimiss mo kaya?

Fiesta sa Villa nun pero nasa galaan tayo. Dahil sa gabi pa may pwedeng mapanood sa plaza, ang trip natin sa ibang barangay ang gala. Kuha pala ni Kenneth yan. Haha! Galing noh? πŸ‘πŸ»

Hetong picture na ‘toh? Tanda mo pa ba? Kina Tito Herman naman. Heto yung trip natin dumayo para lang magluto ng arroz caldo tas native chicken yung sahog! Yum!

Anda Pangasinan days! Nung binisita ka namin ni Leslie at DenDenpot dahil namimiss ka namin. Ang layo mo kasi mag missionary. Pero sa Bolinao yang picture nating yan nung naligo tayo kasama sina Tita na ka Adventist mo.

Ang itim natin noh? Nasa Bolinao ako pero yung shirt ko Baguio. 🀭

Dahil sa sobrang pagod kakalangoy nakatulog na kami sa byahe. Pero bakit mukhang tuwang tuwa kapa? πŸ™„

Yung totoo? Anong trip mo? 😏

Last day na sa Anda uwi na ulit ng Tarlac. Grabe noh? Makapag taas ako ng braso wagas. Buti na lang maputi kili kili ko πŸ€£πŸ˜‚

Trip to Baguio naman tayo. Heto yung time na mag aaral dapat ako sa UC (University of Cordilleras) Enroll sabay gala na rin. Isama na natin si Lilian sa Picture para masaya. πŸ˜πŸ˜„

Hahaha! Tanda mo pa kung bakit nakatupi yung pants mo jan? Well. Kung Oo. PM moko πŸ˜ŠπŸ˜‚

Enrollment sa UC. Sobrang haba ng pila na tipong nakiusap na si Lilian para lang mauna ako kasi uuwi pa tayo ng Tarlac that day. Todo support ka din sa pila eh noh?

Noong panahong hindi pa uso ang snapchat. Snow. Messenger cam. At sa webcam palang tayo kumakapit. Kulang na lang kainin natin mga petals na nahuhulog πŸ˜‚πŸ€£

Daaaaaraaaan! Astig diba? Saaan kapa? Ewan ko bat ginawa natin ‘toh. Haha!

Victoria Tarlac Fiesta. Kung san san ka nakakarating kaya hayan dinadayo din kita. Haha!

Teka! How about this picture? Tanda mo? Yung naudlot mong boyfriend sana. Haha! Bakit nga ba hindi kayo nagkatuluyan? Sayang! For sure mangingiti ka na lang kapag nakita mo ‘to. Todo support pa man din kaya kami sayo nun jan kasama pa lahat ng angkan nila ate Bap para sa first date niyo.

Pagod na ba sa date? πŸ˜πŸ˜†

Last picture natin. Sa boarding house namin. Umuwi ka galing Mindoro tas nag sleep over ka sa boarding kasi uuwi ka ng Tarlac. Petmalu! Last picture natin ‘to. Tapos after nun video video call na lang hanggang sa wala ng video call. Chat na lang. tapos sobrang dalang pa kung mag chat tayo.

Nakakamiss na. Alam mo yun? Namimiss mo din kaya? Anong nangyari sa atin? Parang masyado naman na ata tayong naging busy sa isa’t isa na simpleng kumusta lang mahirap ng sabihin. Minsan online ka. Online ako. Pero deadma. Haha! Matatawa na lang ako. Grabe! Ang daming ng nagbago. namimiss ko na ang Best friend ko. Pero teka! Matanong ko lang, Ako parin ba o may iba na? May ibang best friend kana kaya? Sa kanya mo na ba sinasabi lahat ng mga kwento mo? Siya na ba lagi ang kasama mong manood ng movie? Katabi mo na rin ba siyang matulog sa gabi? Sana wala. Sana hindi. Sano ako pa rin. SANA!

Saan ba tayo abala ngayon? Ikaw sa school. Ako sa work. Pero bakit di tayo makapag laan ng oras sa isa’t isa? Nakakatawa talaga! Haaaaayst! Namimiss na kita Mumaii 😞😭 Pwede pa ba nating ibalik yung dating tayo noon? Enebeyen! Bat parang naka rhyme. Anong pinag huhugutan ko? Eh bakit ba? Gusto lang naman mag drama at gusto lang din naman kitang batiin ng maligayang kaarawan. 🀣😊

HAPPY BIRTHDAY MILABS 😘 We may be distance away. But we know that we still value each other. We care for each other and we always love each other. I wish that God always give you strength everyday kasi malayo ka samin. Walang mag aalaga sayo. Pero bakit mataba ka parin kahit walang nag aalaga sayo? Yung totoo? Ano sekreto mo? Haha! Stay healthy Milabs. I pray and wish that all your desires in life will be granted soon. Focus lang. Everything will be put in place soon. Lahat ng hardworks and sacrifices mo maaani mo in the near future. MiLabs, I just want to remind you that no matter what happen I will always be here whenever you need me. HAPPY BIRTHDAY Ulit. I love you! 😘

-Vina

P.S. Darating ako sa graduation mo. Ipromise πŸ‘ŠπŸ»

Advertisements

Author:

Isa akong binibini na hangad lang ay kasiyahan sa buhay. Gusto kong ibahagi ang nilalaman ng nasa isip ko sa pamamagitan ng pagsulat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s